Wag nyong kakalimutang mag SUBSCRIBE at mag comment ka na rin. Salamat Sorry ngayon lang ako nakapasyal ulit sa Manila Bay at ngayon lang din nakapag bigay ng UPDATE pumasyal kasi akong palawan. kung gusto nyong makita kung ano itsura ng PALAWAN ngayon check nyo sa video ito yung part 1. hanggang part 4 yan.
MANILA BAY UPDATE
March 10, 2019 , Ngayong araw nag punta tayo sa manila bay para lamang sa mabilisang update hindi kasi ako sigurado kung pwede paring mag volunteer baka sa susunod na linggo na lang ako mag volunteer.
VENDORS
Tungkol sa mga vendors dun banda sa MYC (Manila Yacht Club) tuwing sabado at linggo lang daw sila andun at kadalasan umaga lang sila nag titinda hanggang 10:00am. pinagbabawalan naman daw silang magtinda lalo na pag may mga event sa manila bay pero kadalasan pinagbibigyan na lang daw sila at hanggang maari ay wag silang magkakalat.
Tungkol naman daw sa mga store o parang sari sari store along manila bay nakipag coordinate daw sila sa local gov. (DENR, MMDA, Manila City Hall, Malacañang) o parang nag karoon sila ng kasunduan na every sat at sunday ay tutulong sila sa pag linis at pag bantay sa manila bay nag sasaway daw sila ng mga nagkakalat lalong lalo na yung mga tumatae dun at kasapi sila sa Bantay Dagay ng Brgy na nakakasakop dito. Pero pag pinapaalis sila ng mga pulis ay umaalis naman daw sila lalo na pag may event o bisita daw parating. Huli nilang balita sa kasunduang pinasa nila sa Manila City Hall ay pinaguusapan pa daw.
MMDA-VENDORS
May nakausap akong taga MMDA at tinanong ko kung bakit merong vendors sa manila bay at ang sagot nya sa akin. nagagawan naman daw nila ng report about dun sa mga vendor pero meron talagang Department ng MMDA na assign sa pagpapaalis ng mga vendors. kaya kahit ano daw report gawin nila kung di naman aaksyonan ng assign na Dept. e hindi talaga mawawala yung mga vendors dun.
HEAVY EQUIPMENT
Meron ng naka deploy malapit sa US embassy na nagse segregate ng buhangin at basura at meron pang parating na amphibious excavator equipment na binubuo sa baseco baka sa susunod na araw o linggo ay nasa manila bay na rin ito para tumulong sa dredging. Dalawang taon ang estimated nila para matapos ang pag lilinis sa manila bay mula dun sa US Embassy hannga sa MYC. Ang lalim ng pag huhukay sa manila bay ay mga tatlong metro at hindi daw mag dadagdag ng buhangin para ipalit sa mga nakuha. ang makukuhang buhangin ay dadalhin sa opisina nila saTaguig.
twitter:
facebook:
instagram:

0 Comments